***KAMPO NI TOYEN*** TABANG!!! BIKOL 107

Alberto Jr's posts with tag: 1st invesn case

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
Blog EntryPO3 MIEL CAFE'S CASEMar 15, '08 1:38 AM
for everyone

2 pulis hinatulan ng kamatayan
 (AP)

Dalawang pulis na pumatay sa kanilang kabaro, may siyam na taon na ang nakakaraan ang hinatulan ng kamatayan ng hukuman.
 
Sa desisyong ibinaba ni Judge Luis Arranza ng Manila Regional Trial Court Branch 11, ang dalawang pulis ay napatunayang guilty sa pagpaslang kay PO3 Miel Cafe matapos na madiskubre ng biktima na sa 15 kilo ng nakumpiskang shabu sa isang Taiwanese, 20 gramo lamang ang inilutang ng mga suspek na parak.
 
Bukod sa parusang kamatayan, ang dalawang pulis na sina SPO4 Alfredo Alawig at SPO2 Enrique Dabu ay pinagbabayad din ng P450,000 danyos sa pamilya ng biktima.
 
Samantala, parusang kamatayan din ang hatol sa mga kasabwat nina Alawig at Dabu na ngayon ay patuloy na nagtatago sa batas. Ang mga ito ay nakilalang sina SPO4 Ponciano Miraples, PO1 Vivencio Corpus at PO1 Armando de Vera.
 
Sa rekord ng hukuman, dinala umano ng limang suspek si Cafe sa police station sa Marulas, Valenzuela noong November 30, 1996 sa paniwalang magdaraos ng operasyon ang mga ito. Sa himpilan, pinagbabaril umano ng suspek si Cafe habang ang biktima ay nakaluhod sa kanilang harapan.
 
Ang mga nabanggit na parak ay miyembro ng Valenzuela Police Station 1, samantala dininig ang kaso sa Manila base na rin sa kahilingan ng pamilya ng biktima sa Department of Justice.
 
 

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help